Trip to Bolinao, Pangasinan Day 1 :) May 15 2012
Ngayon lang ulit ako magbblog kasi nasa mood ako :D. 2 am kami umalis ng naic. Hindi na ako natulog bago kami umalis kasi tatamadin ako sumama kapag natulog pa ako. Ang hirap ko pa manding gisingin! HAHAH. Si Kuya JEFF driver namin. Ang liit liit niya pero nakabilis magpatakbo ng sasakyan. @_@ Natulog muna sa sasakyan para paggising ko nasa Pangasinan na kami. Naalipungatan ako kasi bglang break nung saskyan! Nagulat ako kala ko kung ano. @_@ Nadaanan namin ung Hacienda Luisita sa Tarlac! Puro Talahiban. -_- Kakatakot! Kala ko nga may kapre dun e! Andami din kasing puno. >_< Tapos ang dilim dilim pa. Lahat kami tulog yung driver lang namin hinde. Tinde nga! Sanay sa puyatan! Ang first stop namin ay sa petron sa tarlac . Mga 4 am siguro un. Doon kami nagmidnight snack. May katapat kasing coffee shop. BO’S COFFEE SHOP. Parang Starbucks din. Tapos umorder kami ng cake kasi mejo gutom na din kami. Then, PaGAS na and ALIS NA. Di na ako nakatulog. Inopen ko na lang ung iPhone ko baka makasagap ng wifi habang natakbo ung car. xD Infairness andaming wifi akong nasasagap pero di naman nagana -_-‘. Hayyy.
6 am . Nasa Pangasinan na kami. Nagstop kami again sa Petron. Nagtanong kami kung ilang oras na lang ang byahe papuntang Puerto del Sol Bolinao, Pangasinan. Doon kasi kami mag Check In. Yun daw ang 5 star hotel na accredited ng ewan. HAHAHHAHAHAH. Nakalimutan ko na. ( SHUNGA LANG ) xD Tawa ako ng tawa dun sa gasoline boy. Sabi nia ” Tarty Minutes ” na lang daw papunta sa destination namin. xD
Then, TULOY na papuntang Bolinao Pangasinan. Di naman TARTY MINUTES LANG PAPUNTANG Bolinao , Pangasinan. Mahigit 1 hour din. @_@ Lulang lula ako sa haba ng byahe. LOL. Dumaan muna kami sa St. James Parish Church. Ang swerte namin dahil naabutan namin ung Lady of Manaoag. :DDD Kasi nung pumunta kami ng Manaoag , ang layo ng Lady of Manaoag. Nasa taas ba naman! >_< :D . Pero sweerrtee talaga at nakita namin at nahawakan :D.
Diretso na kami sa PUerto del Sol Pangasinan. Wala kang makikitang JOllibee man lang o Mcdo! O kahit anong fastfood chain. Kahit restaurant wala. Puro karinderia lang. >_< Ehdi napilitan kaming kumain ng breakfast sa Hotel. Ang EXPENSIVE NG FOOD! Pero NO CHOICE KAMI kasi sobrang layo ng bayan sa Bolinao , Pangasinan. Sa Alaminos pa! E ang byahe ng Bolinao- ALaminos ay parang Naic - Tagaytay. Kaya sa Hotel na lang kami kumakain. ANg ganda ng resort!! Golden White Sand. Tapos ang clear ng tubig. Parang swimming pool. Di ko alam na 8 000 plus pala per night dun . Angggg mahalllll. SOBRAAAAAA! Pero ok na yun kasi di naman kami nag plane trip. :D Na amaze lang kami sa resort kasi ang daming flowers and para kang nasa ibang bansa. :) Yun nga lang, expensive talaga!
May 8, 2012 :)
Nagisng ako ng 12:00 gawa ng naginom nga kami ng mga pinsan ko kagabi. Sobrang sakit ng ulo ko ng umaga. Tapos mainit pa.. Naligo agad ako! Tapos kumain ng lunch. Nagbihis na ako kasi pupunta nga daw ng SM Dasma. Binigay sa akin ni tita yung card ko. :DDDDD ( OVER SMILED NA AKO NUN KAHIT NASERMONAN AKO ) . :D Pumunta muna kami sa doctor ko para mag pa vaccine.. Then, punta na SM Dasma. :)) Kumain kami sa Max’s. Pagkakain pumunta kami sa SM Appliance para bumili ng LED TV at Aircon para sa kwarto ko para kasing sira yung aircon ko pero hindi sira ( GULO ) HAHAH! Pagkabili ng aircon at tv punta naman sa SM Department store. Bumili ako ng vans shoes at damit pang outing ko nasa akin naman yung card ko e. :DDD Tapos, bumili naman kami ng antivirus at bagong router. Kain. Uwi na. :D
The guy I bullied before when i was in Grade 2 or 3. :D He’s my schoolbus mate.
I threw paper on his face before he leaves the bus. Btw, he’s Ian Quinto :D .
Ohaaaa„, naaalala ko pa rin siya hanggang ngayon :D Inadd kasi ako sa FB :))
Ganan talaga ang LOVE buwis buhay, laslas pulso.
Owwwyeeaahhhh! Sorryyyy my heart isn’t strong enough for this. :) </3
May 3, 2012 Trip to Lucban, Quezon
Isang nakakapagod na araw! 4 hours na byahe! Nakakalula at Nakakapagod pa..nang dahil diyan nilgnat ako at sinipon.. -_- pero masaya naman kahit papaano. :))
-5:30 kami umalis sa Naic, antok na antok pa ako. Nung una na sabi ko e hindi ako sasama kasi ang aga ako ginising ng lola ko.. 4 ba naman ako ginising! para lang uminom ng jinuice niyang pinagsamang melon at apple.. ( it doesn’t taste good! its like ” YUCK” ) :3. Tapos diretso ligo na ako, bihis sabay kain ng breakfast. Then, dumating na yung driver nang inarkila naming van kasi hindi naman kami kakasya sa innova. K. :D
-On our way to Lucban,Quezon marami kaming nakitang iba’t ibang resorts at mga magagandang view. :)) Kaso lang nakakalula din naman. :3 Nakatulog siguro ako ng 1 hour. Kasi inaantok pa ako bago kami umalis ng Naic :). Tapos paggsing ko nasa Tagaytay na kami :). Dumaan muna kami ng Starbucks para mag coffee. Tapos, alis na. Next stop over namin ay sa petron ng Laguna.Bumili kami ng mga snacks and drinks habang nagpapagas pa yung driver namin. May nakita pa nga kaming gasoline boy na mali yung nalagay niyang gas sa isang car dapat prenium yung ilalagay niya kaso diesel ang nalagay niya. Buti na lang di nasira yung makina. Naaawa nga kami nun kasi sinesermonan siya. :( Tapos yan na alis na kami ilang hours pa bago makarating sa Lucban, Quezon! Nubeyenn! Sobrang layo!…. Natulog na lang ako kaysa malula lang ako!
- Tapos maya maya ginising ako ng pinsan ko kasi malapit na daw kami pero san ka„ 4 na bayan pa ang kailangan naming lampasan! Nakoo! inis na inis ako..! :3 Kasi nasa Laguna pa rin kami! Tapos yan after almost 1 hour nakarating kami sa kamayan sa palaisdaan para mag lunch.. masarap daw kasi ang foods doon.. :D Naglalaway na ako nun kasi gutom na talaga ako :L HAHAHAH! Ang ganda nung restaurant este resort pala kasi may pool.. hehehe.. Nakafloat sa water yung mga nippahut.. Pero di kami dun umupo kasi may mga bata kaming kasama baka mahulog, mahirap na! xD Tapos picture-picture na! Nakakatawa yung mga statues doon.. xD ( Medyo Nude) . Hanggang sa dumating na yung foods. Kainan na! Infairness, masasarap yung mga foods kasi its quite expensive din! Marami ding foreigners na dumadating sa resort or resaurant man yun! HAHAH! Kumain kami ng Pansit Habhab ng Lucban.. Nilalagyan siya ng suka para mas masarap! Pero PROMISE ang sarap nga talaga! ( O.A. ko„ ! ) HHAHAHA! . Marami pa kaming kinain! :D Tapos nagyakag yung mga pinsan ko maglibot ng resort.. Meron pala dung malaking sawa , 4 monkeys at 1 philippine eagle.. Ediiiii yann na lakad lakad tapos picture picture din. Ang daming POGING lalake akong nakikita. Parang mayayaman. :D Natingin naman sila sakin. xD ( Lande ko! xD) Tapos alis na kami sa Kamayan sa Palaisdaan. Punta na sa Kamay ni Hesus. :D
- Ayan na nakarating na kami sa Kamay ni Hesus. Nag pray muna kami sa may church. Tapos pagktpos kong magpray pinicturan ko yung mga Ibat ibang santo doon. :D Tapos tinawag na ako ng pinsan ko kasi maglalakad lakad na daw kami. Pumasok kami sa Garden of Eden. Nakita namin yung Noah’s Ark! Ang ganda ng pagkakagawa! :O :D Naamaze ako, SOBRA! :DDDDDD Then, akyat na kami sa kamay ni Hesus.. Pero literally, hindi talaga siya kamay ni hesus… ewan ko ba kung bakit yun tinawag na kamay ni hesus.. x)) Mayroong 14 stations yun.. Kaya mahaba haba ang aakyatin namin! May mga kasama pa naman kaming oldies.. hehehe.. Pagod na pagod kaming lahat papaakyat dun sa 14th station! :x Hingal, ngalay at pagod ang inabot ko . “-_-. Nabilang ko yung mga steps ng hagdan! 300 steps papuntang last station. Then, nung pababa na kami doon nangatog yung tuhod ko! Kaya nagpahinga muna kami sa isang small gazebo doon.Tapos tuloy baba na ulet! KAPAGODDD!
- Next stop namin ay hotspringsa Laguna ! Ang inet ng pool! kaya di ako masyado nagenjoy kasi di ko type yung hot spring! HAHAH! Doon ako nakakita ng isang boy na pogi.. :”> Para ngang na love at first sight ako dun e! HAHAHA! ( LOVE na agad!??! HAHAH! ) Mga 1 hour lang siguro kami dun kasi maggagabi na din,. Then, last ay sa Jollibee. Dun kami nagmeryenda. Tapos UWIIIII NAAAAA!
:DDDDDD
Kakamissssss!
Kanina nag-SM kami, tapos konting shopping. Tapos nung naggrocery na kami namimiss ko yung gawain namin dati nung hindi pa nagsisipuntahan sa abroad yung family ko. Yung lagi akong nakaupo sa ilalim ng cart. Nagtutulak ng cart at kung anu ano pang kalokohan habang nasa supermarket. :( Namiss ko tuloy MAMA ko. :(



